Linggo, Nobyembre 11, 2012

Behind Close Door




True story. Because it happened to me. 


2010 Summer class, 2:30pm, Room A, Psychology Class, lecture: Sigmund Freud. 

Kami lang yung nasa second floor. Konti lang yung offered subjects for summer. Unholy hour, kahit exciting ang topic, medyo tahimik yung klase aside from the fact the iilan lang sila. Inaantay pa naming yung ilang estudyanteng mahilig sa dramatic entrance. 

After few intro kay Freud, may kumatok. Sa ilalim ng door, may anino. Lahat kami napatingin sa pinto. Walang pumasok. Nairita ako. Tumayo si Carlo para buksan ang pinto, walang tao. 

Isinara ulit ang pinto. Tuloy ang discussion. Nag excuse si Jemalea, pupuntang CR daw. Sabay ng paglapit nya sa pinto ang pagkatok ulit. Binuksan ni Jemalea. 

Napa shit sya. Wala pa ring tao.


2012, First Sem, Midterm Exam, 6:40pm, Room D, Proctoring for CS 111

Halos tapos nang mag exam ang mga estudyante. Dalawang estudyante na lang ang nagapaptuloy. Late kasi silang dumating. 

“May nagpaparamdam daw ditto sa Room D,” sabi ko. “Baka may maramdaman kayo ha.”

“Wala naman po, Ma’am.” 

“Opo, wala po.”

“Wala po.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento