Tuesday, September
18, 2007
The story
He glanced
at the table near him where a cold lifeless body was. There was something in
the air inside the room, something he cannot explain. Hair stood at the back of
his neck as cold wind enveloped him. He felt someone was watching him. But who
could be, he was left alone in the morgue in the middle of the night. He threw
one look on his only companion. He was so shocked that no voice escaped from
him. Looking back at him was corpse’s eyes, the saddest eyes he ever
saw.
“Fortunately,
I don’t have that kind of experience!” Jafe laughed again. “Ask him, mas
matagal na siya sa service,” she pointed at the man sitting near her.
“Mas
nakakatakot pa ang buhay kaysa sa patay,” Jopith couldn’t help but laughed,
too.
We heard
stories, creepy ones happened in morgues but for Jopith Echavez and Jafe Alba
Echavez, they spent most of their time in a place where most people would not
dare stay. A morgue or mortuary is a building or room (as in a hospital) used
for the storage of human remains.
“Here in
St. Therese Chapels we call it body preparation room,” explained Jopith.
The tandem
Jopith was
named first in the oral and practical licensure examinations given by the
Committee of Examiners for Undertakers and Embalmers. He is proud that his
wife, Jafe is the only female licensed embalmer here in Iloilo City. They have
been working for almost three years in St. Therese Chapels.
“I was a
mall supervisor then and when we met, I decided to learn his kind of job,”
Jafe, a computer graduate, said shyly.
“My family
is in the funeral business for almost 12 years. Part of our trainings was in La
Funeraria Paz in Manila,” Jopith said. He is a graduate of Hotel and Restaurant
Management.
The couple
took a review in Manila to earn their license.
They were
trained on the proper handling and preparation of the body for embalming.
Embalming
is the funeral custom of cleansing and disinfecting bodies after death. As far
back as the ancient Egyptians, people have used oils, herbs and special body
preparations to help preserve the bodies of their dead.
Jopith
explained that there are three processes of embalming: arterial, intra-muscular
and surface embalming.
“We use
imported embalming machine. We can say that we offer a state of the art
embalming,” he said.
Jafe
usually prepares the body for viewing that includes make-up and dressing.
“I also do
hair dyeing as requested by the family. If they want to make their deceased to
look young, I can do that too. Anything the family requested,” Jafe said.
St.
Therese observes family traditions, from old beliefs to feng-shui.
“Respect
is very important in this kind of job. We don’t want to offend the departed
one,” Jopith said while Jafe nodded in agreement.
The precautions
Being
derma-surgeon morticians, Jopith and Jafe knew that they are prone to diseases.
The couple and undertakers of St. Therese comply with double precautions. They
use personal protective equipment which include laboratory gown, gloves,
goggle, mask and head cap inside the body preparation room.
St.
Therese requires its employees to have a medical check-up every six months.
Health cards from the Department of Health were issued to all its drivers,
undertakers and attendants.
- This article was published in Panay News August issue.
- PS.. wala lang maipost na bago huhuh
Pasted
from <http://gustongmagingmanhid.i.ph/blogs/gustongmagingmanhid/2007/09/18/close-encounter-with-a-couple-embalmer/#more-28>
Friday, October 12,
2007
I lighted
another one… your favorite brand in 10s… passing the time inside my box staring
at the wall not allowing the wall to stare back at me. I had read somewhere
that this, what I’m holding now stimulates thinking. True because what came
rushing to my mind are nicotined ideas. The white silky thing whirled before me
like counter-currents of a river. Spherical like our cosmos. Swift translucent
streams, gauzy then gone… unlike your memories… unlike time.
If time is
a straight path, as the present moves along into the future, the pasts gets
longer and the future shorter. In which chasm are you? Lingering in my pasts of
unfading long memory or waiting in my future for a transitory encounter? I’d
like to think that time is circular, the past and the future infinite and
equal. By hands of fate, my circular time overlapped in some points in yours.
How and why did we cross each other? I have to go through that I can have you
for a time but not for my lifetime. So sad that while I have you I can’t let it
be known to the world.
I am
revering in 10s now… like the way we enjoyed the intensity of our little
getaways then. It was a secret we kept; careful no one would discover the
little adventures we had. The thrill was like the anticipation of a first kiss
on a first date… like the first taste of cheating on an exam. There was a
feeling of guilt and freedom and something else hard to describe.
I lifted
an excerpt from a borrowed book “The Book of Loss”.
It was like the imperial jewel which lies
concealed within its casket, its shapes and colors indeterminate yet its power
all the greater because of its vagueness. No one is allowed to see it for doing
so would rob its beauty. Closed and conceal, it is pearl, jade or ruby;
revealed it is neither one of these. Even the legends one hears about it are
imprecise. No words or metaphors suffice for each its own limitation. So our
love is known only for itself. It exists in the dark and even we who make it
know it incompletely. We call it one thing and it becomes another. It eludes
our sight and touch yet it persists.
We don’t
have the freedom to let the world know yet in our confined plane we are
boundless. The world will never understand this unlikely union; maybe fate will
be kinder the next time around.
(note:
Ang loveletter na ito ay nagbabalat-kayong loveletter)
Saturday, October
20, 2007
Ayoko sanang isipin.
Uuwi rin ako pero hindi ko pa alam kung kelan.
Siguro kung
magkakalakas ng loob…pag itinulak ng pagkakataon… sa isang buwan o kahit bukas.
-Noel
MacArthur, Bob Ong
Thursday, December
6, 2007
Ang
Text
Kiat, bad
news! — text ni Kathy
Ano? Terminated na
ako? — reply ko
Gaga! Hindi pa
hehehe… Ung pulubing kinunan mo ng pix kgbi, patay na! — si Kathy
Huh! Dpat pala
change ko prim pic ko sa frenster, baka multuhin ako! – ako!
Lol! - Kathy
Please pray for
this guy’s soul. He was found dead the next morning same spot where this pic
was taken. Mabuti pa siya, tapos na’ng paghihirap nya sa mundo!
His spot – sa harap
ng Book World na nasa tabi ng isang Hotel dito sa Iloilo City.
Ang kwento – ayaw
niyang tumanggap ng kahit anong limos ng kahit sinong passers by sa sidewalk
na yan. Ang kinakain nya galing sa pinaghirapan nya. May pride, gustong
ibangon ang dignidad.
Katulad ng ibang
taong grasa, may sarili siyang mundo. Nakatingin sa kawalan, walang pakialam
kung hindi presentable and suot sa lahat ng nakakita.
Minsan,
kinaiinggitan ko ang mga taong may kalayaan. Mga taong may laya kung paano
nila bubuohin ang mundong gusto nilang galawan. Nakakainggit ang laya
nilang mag-isip ng kung anong gusto nila isipin. Nakakainggit ang laya
nilang maging Malaya kahit pa puno ng panghuhusga ang self-righteous society
na walang layang aminin ang puro impokritong galaw ng bawat isa.
May mga tanong ako
na alam kong wala ng sagot.
Habang sa gabing
nakahiga siya sa malamig na semento, ano kaya ang nasa isip niya?
Ramdam ba niya ang
nanunuot na ginaw ang lamok at kung anong insektong ayaw siyang patulugin?
Naisip nya ba na
sana, nasa sarili siyang kama, na nasa sarili niyang kuwarto, na nasa sarili
niyang bahay?
Naalala ba niya ang
yakap ng sarili niyang ina, ama, ate, kuya, o bunsong kapatid?
Na missed ba nya
ang yakap ng kanyang mahal?
O baka naman
iniisip nya na sana naiisip siya ng mga importanteng tao sa buhay niya?
Umalis siya sa
mundo na nag-iisa, giniginaw, malungkot.
Yan ang ending
niya.
Mas nakakatakot nga
yatang pumanaw na hindi man lang nakapagpaalam at nakapagpasalamat sa mga
taong naging bahagi ng buhay mo, lalo ng sa mga taong naging buhay mo!
Sa ngayon,
malungkot ako dahil nandito ako sa lugar na malungkot. Sabi ko nga, uuwi rin
ako, baka bukas o kung kelan itutulak ng pagkakataon.
Naiinggit ako sa
kanya. Tapos na ang lungkot niya. Ako kaya, kelan matatapos?
Pasted
from <http://gustongmagingmanhid.i.ph/blogs/gustongmagingmanhid/2007/12/06/inggit-sa-paglaya/>
Saturday, December
15, 2007
Marami akong
iniisip, gusto kong isulat kaya lng mabagal ako magtype saka mabilis ako
mag-isip. Cge, sabi ni David pabugso-bugso daw akong mag-isip! Ano ako? Bagyo?
Pabugso-bugso parang hangin!
Hindi lang yata
nila kayang abutin ang takbo ng isip ko. Ako nga minsan napag iiwanan ng
sarili kong pag-iisip.
Matindi inggit ko
sa mga taong may layang mag-isip ng kahit ano saka yung taong pwedeng gumawa
ng sarili nilang mundo. In short, inggit ako sa mga taong grasa! hehehe
Sana, mabilis ako
magtype at mabagal ako mag-isip!
See, nagyon ngay
napag-iwanan na naman ako.
Pano ko ba ito
tatapusin?
Gagayahin ko na
lang ang Parokya ni Edgar.
Bigla na lang
mawawala!
Friday, December
21, 2007
Mahal
kong anak,
Sa aking
pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag
dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa
hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin
ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag
mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag
mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi
mo o pakisulat nalang.
Pasensya
ka na, anak. Matanda na talaga ako.
Kapag
mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng
pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan
mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang
plaka.Basta
pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong Pagtatawanan o pagsasawaang
pakinggan.
Natatandaan
mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong
sasabihin,
maghapon
kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan
ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan
mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong
piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag
nalamigan, huwag mo sana
akong
pandirihan.
Natatandaan
mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin Sa ilalim ng kama kapag ayaw
mong maligo.
Pagpasensyahan
mo sana kung madalas, ako’y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may
konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako
sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong
busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na
akong nakakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga
kwento ko.
Natatandaan
mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang
pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag
dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan
mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako
magtatagal.
Kapag
dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at
bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag
kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa
kanya na pagpalain ka sana …
Dahil
naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
While
reading the letter, parang gusto kong umiyak. I remembered my Lola. No, hindi
naman siya minaltrato ng mga anak nya, in fact, mahal na mahal siya ng buong
pamilya. Taas ng respetong binigay sa kanya.
Si Lola
ang Ina ng Laging Saklolo ng pamilya. Kahit anong problema, kapag siya
nilapitan, wala man siyang maibigay na concrete na solusyon pero aalis ka na
naliwanagan at may natutunan. Walang masamang tinapay sa kanya, lahat tanggap
niya. Mga anak na matigas ang ulo, mga apong pasaway, minsan nga pati
kapitbahay nagpapaampon na sa kanya.
Si Lola
rin ang unang yumakap sa akin pagdating ko ng bahay mula sa ilang buwang
paglalayas. Umiyak siya, hindi ako umiyak (astig ako eh). Naalala ko pa,
pinagluto nya agad ako ng agahan tapos pinakain. Kay Lola ako lumaki kasi
naman hindi kaya ng nanay ko ang kumuha ng yaya para bantayan kami habang nasa
trabaho sila. Hindi pa ako pumapasok nuon at kami lang usually ang naiiwan sa
bahay buong araw. Sa gabi, sa kanya ako tumatabi. Kapag nagbabakasyon siya,
kaylangan kasama ako. Hindi nya ako iniiwan pero nung nagsimula na akong
pumasok ng elementary at high school, konti na lang yung oras na nagsasama
kami. Mas lalo na nuong college, bumuo ako ng sariling mundo, hindi siya
kasama.
Hindi ko
napansin na naging manlungkot ang buhay ni Lola, akala ko kasi buhay ko na ang
pinakamalungkot sa lahat ng buhay na nakita ko sa loob ng tahanan niya.
Nagsimula
ang lahat ng iniwan siya ni Lolo. Maraming nagsasabing magiging magaan na ang
lahat kapag wala na ang kahati niya sa buhay. Kilala ng lahat kung gaano
kapasaway ang Lolo ko. Pero hindi pala. Siguro nga true love kasi naging
walang kwenta ang mga araw niya nuong walang Juaning na panay ang utos at
tawag sa kanya. Marami pang kuwento tungkol kay Lola, marami pa. Pero hindi ko
yata masasabi ngayon, kasi kapag naalala ko, mas lalo lang lumalaki yung space
na iniwan niya.
Limang
araw na lng mula ngayon, uuwi na ako. Walang Lolang sasalubong sa akin katulad
nung nangyari limang taon na ang nakakaraan pero ganun pa man uuwi pa rin ako
sa Bahay ni Lola.
Pasted
from <http://gustongmagingmanhid.i.ph/blogs/gustongmagingmanhid/2007/12/21/bahay-ni-lola/#more-41>
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento