Martes, Oktubre 25, 2011

Life is...

Life is unfair.





Yan ang sabi ng iba. Yan din ang paniniwala ko dati. Dati yun. Ngayon, nagbago ang pananaw ko.

The way I see it, it's not life that is being unfair to us, maybe it's the people in our lives, those people we wanted to be part of our lives and the people who wanted us to be part of theirs. Dapat bang maging manhid na lang?

This month: October, dalawang realization ang pumukpok sa ulo ko.


1. Can't hurry things. Patience is a virtue. Sa sobrang pagmamadali, madalas nadadapa tayo o natataranta o napapagtripan ng mga walang magawa sa buhay.

Sa sobrang pagmamadali, madalas tayo pa ang nahuhuli. Marami kasing bagay ang nakakalimutan sa sobrang pagmamadali. If we hurry things, we're blinded to the real intentions of the people around us. It's shit to say that some people are ruthless, berdugo, mapagsamantala.
Sa sobrang pagmamadali, we only hear what we wanted to hear. We are side-tracked. We lost our reasons, our sensibility. Worse, we fell into deep shit. And when the shit hits the fan, posibleng maraming masaktan.

Lesson: Dapat kang magmadali kapag CR destinasyon mo. 


2. Life is short, unpredictable. Ngayon buhay ka, mamaya baka hindi na. Recently, I heard a story that I thought to be absurd, but they swore it's true. Bumahin lang daw na tatlong beses, ayon, bumagsak, patay. I laughed when I first heard it, but stopped laughing when I realized it was true.

Naging domestic helper ako last October 23, utos yun eh, so I cleaned the bathrooms in our ancestral home. Since ancestral home, yung mga CR eh epic na rin ang dating. Good thing, matindi mga chemical na ginamit ko. Hindi man tuluyang pumuti at nag mukhang bago ang tiles, at least naglinis ako.

A  Tribute To Auntie Vicky and to those Faithful Departed.


 

Sa araw na ito, serbisyo ko sa iyo, sa inyo.. linis banyo... Sana kaya rin linisin ng Lysol, Toilet Duck, Zonrox ang lahat ng hirap , pasakit sa buhay natin... Sige lang, tapos na ang hirap mo... SA wakas malaya ka na... Happy trip auntie Vicky, regards kina Lolo, Lola, Papa Greg, Uncle Joel at sa mga kakilala natin jan... Okay lang kung maisipan nyong dumalaw pa minsan-minsan.. Wag ka mag alala, we'll get by.. Pinalaki mong astigin sina Flo at Botchok, kaya na nila yan...Si Uncle? Syempre, malulungkot sya... pero sige lang, alam nya naman na hindi ka na mahihirapan... You are love....Salamat sa'yo...
Life is not fair. It has its own way of taking and giving.
Taking something/someone away from us.
Giving us lessons to ponder.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento